Martes, Abril 15, 2008

Aking buhay... Wusus!



Ako…? Ako'y isang taong matabang baboy ngunit maputi…


Hmmm… ipinanganak daw ako noong October 07, 1990. DAW… kasi lahat naman tayo di alam na ipinangak pala tayo sa araw na iyon… tanging mga papeles at mga sabi-sabi ng iyong mga magulang ang nagpapatibay rito. Pero ang totoo… di natin ito nasaksihan… ang araw na tayo ay inire o sinesaryan. Sabi ng aking nanay, ( nagtataka ang mga tao sa paligid ko kung bakit “nay” ang tawag ko sa nanay ko… ewan ko ba… pero sa tingin nila… para daw itong pangbundok kung ikukumpara mo sa mga “Mama” o “Mommy” o kaya naman “Ermats” o isang malupet na “Motherdeer” -gawin ba namang usa ang nanay- ahahaha… pero sa totoo lang… masaya ako na “nay” ang tawag ko sa nagmahal at umaruga sa kin, sa babaeng nag pakahirap na magdala ng isang mataba na katulad ko sa loob ng siyam na buwan sa tiyan niya... kasi… para sa kin… yun na ang paraan ko ng pagsabi ng “Woi! NAY… mahal na mahal kita! Di ko lang sinasabi!... Di kasi ako ‘showy’. ) ipinanganak daw ako sa PGH. Ang ospital ng bayan. Naroon ang lahat ng taong may iba’t ibang sakit… mula sa taong nag-iinarte na may simpleng sipon lamang… hanggang sa mga taong nakahilata na lamang at naghihintay na bawian sila ng buhay ng Diyos dahil sa pagkaubos at pagkasira ng mga laman loob tulad ng bituka, kung saan nakalagay ang lahat ng mga tinatae natin araw-araw, puso, na siyang puno’t dulo ng maraming pagpanhik sa mga billboard para magpakamatay dahil sa pagkakaiwan sa kanila ng kanilang katangi-tanging mahal, kidney, na ginawa nang pera ng mga desperadong mga tao na kailangan na talaga ng pera… tutal dalawa naman… kaya ibinebenta nila…

Sabi rin sa kin ng nanay ko… Pumila pa raw siya kahit na palabas na ako… Buti naman at masunurin ako at pumila rin ako habang nasa loob ng sinapupunan… ngunit habang ako’y naghihintay na makalabas sa madilim na lugar na iyon sa loob napag-isip-isip ko na marahil ang mundong lalabasan ko ay isang mundong puno ng paghihintay… puno ng pagpila… pagpila sa mga bagay na di agad mapapasa’yo… minsan… may mga pilang hindi mo alam kung may katapusan… hindi mo alam kung may patutunguhan… (jowk lang na nag-iisip na ko nyung nasa tiyan pa lang… pero malay mo!) Paglabas ko… syempre! Pinalo ako! Badtrip nga yun eh! Ang sakit nyun! Di ko pa yun nababawian! Pero sa pagsagap at paglanghap ko ng unang simoy ng mundo… ako ay napaiyak… grabe… ang drama ko na nyon… Sabi ulet ng nanay ko… pinagkaguluhan daw ako ng mga nars ng mga oras nayun… akala nila anak ng Amerikano… ( Bakit ganon ang mga Pilipino? Masyadong tinataas ang mga dayuhan… masyado silang pinupuri… Pag pango ka o busaklat at parang pinasabugan ng tatlong nuclear bomb ang ilong mo … Di ka na “in”… Pangit ka na… Pero pag matangos ang ilong at pwedeng pangsundot ng “reset” sa mga tamagotchi… Maganda na itong tingnan… Kapag maitim ka na… Baluga… ‘Unseen’… Libagin… In short… ULIKBA… Puno na ang buhay mo ng panlalait ng mga taong maputi… naliligo araw-araw… tulad ko… Bakit kaya? Kahit ako... Sa kadahilanang ako’y maputi… Yun na ang naging “asset” ko… Nakz! ) Mapula-pula kasi ako ng mga oras na yon… Pagkauwi nila sa akin mula sa ospital ng bayan… nafeel kong pinagkaguluhan nila ako… kahit na di pa ako nakakadilat ng mga panahong iyon… alam ko na yun…

Sabi sakin, ng sandaling pumasok ako sa pamilya ng tatay, nanay, at kuya ko… naghirap kami… pero take note… wala akong balat sa puwet… siguro ganoon lang talaga ang kapalaran ko… maging salot. Drama…! hahaha… Doon na nga nagsimula ang buhay ng isang nilalang na sinasabi nilang “baboy”, “mapang-okray”, “mapanglait”, “suplado”, “mayabang”, “makulit”, “usisero”, “tactless”, “mapang-asar”, “pasaway”, “mambabara”, “makapal ang mukha”, “cute sana pero baboy”, “dang sama ng ugali”, “plastic”, “mapang-down”, “pilosopo”, “walang-modo”, “tanga”, “bobo”, “eng-eng”, “epalogs”, “papansin”, “walang kwenta”, “masakit magsalita”, “manhid”, “feelingero”, “dang arte”, “pabigat sa CAT”, “mahina”, “masarap gawing punching bag”, “walang pakialam sa iba”, “loner”, “di marunong makisalamuha”, “laging nakasimangot”, “nakakainis”, “nakakaburaot”, at “masama…”

Pagpasok ko sa mundo ng eskwela, marami akong natutunan, nalaman, naungkat, nakalkal, nasipat, nakita, nagpagtanto-tanto, at napagbulay-bulayan. Mga bagay na hindi ko makikita sa simpleng apat na sulok ng bahay namin. Sa tingin ko… dito na umikot ang buhay ko… ang pagiging estudyante… Nalaman ko na ang mga tinuturing nating pangalawang magulang ay tunay ngang pangalawang magulang. Sa kanila ko natutunang lumaban kapag alam mong ikaw ay tama. Nasaksak sa kokote ko na di lang sila nariyan para magturo ng mga 1+1, verbs, sciences, at iba pa… ngunit nariyan din sila, isang text lang, para sandalan mo sa panahong di mo na masandalan ang mga magulang mo… sa panahong gipit ka na sa mga bagay-bagay… sa panahong naghahalo na ang uhog, kulangot, laway, at luha sa tuwing ika’y umiiyak… sa panahong kailangan mo ng pagmamahal…. Who0h0oh…! Ang drama ulet…!

Sa eskwela ko rin natutunan ang salitang “tunay na kaibigan.” Doon ko natagpuan ang mga kaibigang laging karamay mo sa pagsubok… karamay sa mga masasaya at malulungkot na pagsasama… kasama mo sa mga kalokohan at kabutihan… katawanan mo sa pagkakataong may nadadapa… Kaibigan…? Isang sandigan.

Sa eskwela rin ako nakaranas ng iba’t ibang mga pagsubok sa buhay. Natatandaan ko, Grade 1 ako noon… at binagsak ng teacher ko ang upuan ko dahil nakatayo ako… sa panahong iyon… bawal mong itayo ulit ang upuan mo… dahil roon… unang beses kong pinagalitan… ayoko ng pumasok… hahahaha… pero pinilit pa rin ako ng tatay ko… panakot niya sa kin na pag di ako pumasok, di na kailanman ako papapasukin sa eskwela… At yun… Pumasok din ako. Natatandaan ko pa… Pasko… syempre… bigayan ng pera… Tinawagan ako ng tita ko at pinapupunta ako sa bahay nila upang makuha ang “pamasko” niya para sa akin… Ewan ko ba… Pero di ako noon pumunta… Sobrang pinilit ako… Umiyak pa nga ako eh… Pero nagmatigas ako at di pumunta… Dahilan? Ayoko kasi ng ganoon… parang nangmamalimos… basta… parang alam mo yun… parang kaawa-awang nilalang ako… Simula nyon, di na ako namasko… ( Gr.2 pa lang ako nyun! ) Kung meron mang magbibigay sa akin… sila ang lumalapit… ( sosyal! ) Sa hayskul buhay ko naman… marami din akong di malilimutang karanasan… Naroon na yung unang beses akong lumaban sa isang kompetisyon sa labas ng iskul. Nakakatuwa ang panahong todo suporta ang mga tao sa amin. Dumating din ang mga panahong kinokontra at kinakalaban ko na ang mga guro. Di ko pinagsisisihan ang mga sandaling binabara ko o sinasagot o nangangatwiran sa mga guro o sa admin man… dahil doon ako nakilala sa CSOL.

Di ko rin malilimutan ang mga CAT meetings. Mula sa mga push-up hanggang sa mga pagtakbo sa oval… Mga pawis-pawis na nawala, bilbil na natunaw, at mga paninigaw… dahil naging masaya ang mga pagpapahirap na ito… lalo na kapag halos mamatay-matay ka na at tuwang-tuwa ang mga nakakapanood sa’yong naghihirap lalo na ang mga officer at ang commandant. Sa CAT ko natutunang maging matatag para sa iba. Kayanin ang mga bagay-bagay sa sarili kong kakayanan. Magkaroon ng tiwala sa sarili kahit na nahigop na ito ng pagiging mataba ko. Maging mapagpigil sa nararamdaman lalo na kapag gusto mo na talagang daganan ang mga nagpapahirap sa’yo.

Isa rin sa di ko malilimutang pagkakataon ay ng magfair. Dating booth. Maraming bumatikos. Maraming nagalit. At maraming umayaw sa salitang “malalande”. Pero ang lahat ng iyon ay di ko kinahihiya… kasi wala namang salitang maaring ipalit sa salitang iyon… At saka di namin gustong ipalaganap ang salitang iyon dahil bukod sa laganap na ito… Mulat na ang mga tao sa mga modernong salita…

Dito pa lamang… Marami na akong gustong ilabas… Mga natatagong hinanakit… Natatagong pasasalamat… Natatagong pag-ibig… Waw… Ang arte… Nakanangs… Di ko malilimutan ang mga tawanan, iyakan, isnaban, pansinan, dramahan, taguan, pangtitrip, pangungulit, pagpapasaway, pag-uwi ng gabi, pagmamahal…. Wahahaha… basta… di ko malilimutan ang hayskul buhay ko… The Best… Walang tatalo dito… Nabuhay ako ng puno ng takot. Takot sa iba’t ibang bagay… Napakarami… Kung ilalahad ko lahat ay baka tamarin ng basahin ito ni Sir Dumali…

Pero dahil ako ay makulit… maglalagay ako ng mga kinatatakutan ko… Naaalala ko si Sir Jojo na tinanong ako ng “What is your Greatest Fear?” pero ang sinagot ko ay di ko alam… Siguro… dahil sa di ko pa talaga alam… o talagang natatakot ako na malaman ng tao ang pinaka kakatakutan ko… Eto nga pala ang mga kintatakutan ko… Takot ako mamatay sa pamamagitan ng:

a.) suffocation – kasi ayoko ng hindi ako makakahinga sa huling sandali ko sa mundo… gusto kong malanghap ang mabahong hangin dito sa Pilipinas bago mamatay…

b.) pagkalunod – syempre… sa dinami daming tubig ang
malalamon mo… ano pa ba?... ayokong lumobo! Ang taba ko na nga… taz palolobohin niyo pa ako pag namatay!

c.) may papatay - ayoko ng may papatay sa kin… Lalo na kapag chinop-chop ka pa… Baka ikilo pa ako… P140.00 pa naman per kilo ang baboy… ahahaha…

Takot din ako sa pagtotorture… Kahit na di ka tinotorture… Basta… Yung parang yung enrollment ng CAT… Sinisigawan ka… tapos marami kang maririnig na nagpupush-up… tapos pinahihirapan ka… Wah… Takot ako ron… para kasing tinotorture ng mga police ang isang criminal sa dark room… Takot din ako sa lumilipad na kung anu-ano… kasi noong bata pa ako… tinitigan ko ang isang munting ipis na nagngangalang Anton… kakausapin ko sana… at itatanong kung bakit kulay brown-red siya… pero bwisit yung Anton na yun… Niliparan ako sa mukha!... la lang share lang… Yun… yun ang dahilan… Takot ako sa bangkay… Lalo na kapag wasak-wasak ang katawan… pero sa kabila nito... Gusto ko sa libing ko… Nakadilat ako… Para astig! Takot din ako sa mga panahon ng pagpapaalam sa tao… Ewan ko ba… Kahit na alam kong ang buhay ay puno ng pamamaalam… Minsan di pa rin ako nagiging komportable dito… Siguro… natatakot ako dahil baka sa pagpapaalam na iyon ay makalimutan na ako ng taong aking pinahalagahan… Baka magbago ang dating samahan… Magbago ang lahat… Baka makahanap na siya ng papalit sa akin… Yung mas magaling… mas masaya… mas makulit… mas memorable… Habang ako ay nakalugmok… Inaalala ang mga memories… Kadramahan man ito… ngunit… lahat ng aking nabanggit ay totoo.

Siguro ang buhay na nasimulan ko dito sa mundong ibabaw ay kakaiba… Anak ako ng isang pastor… (kung baga… “Pari” pag sa katoliko) Siguro naiisip niyo astig yun… Masaya… at puno ng kabutihan at kaliwanagan… Nagkakamali kayo… Isang napakahirap na tuntunin sa buhay ko ang pagiging “Anak ng pastor”. Unang-una… dahil anak ka ng pastor… kailangan mong sumimba ng pagkaaga-aga… hehehe… pero ayos lang yun… Pero ang pinaka sa lahat… kailangan mong maging isang mabuting huwaran sa mga tao… kailangan mong maging mabuti… kailangan mong maging masunurin sa Kanya at sa Kanyang mga salita… Kailangan mong magpakatino… Kailangan mong sundan ang yapak ng kabanalan… Kailangan mong maging HINDI IKAW… Batid kong di nila pinipilit sa’yo ang mga ito… Pero alam mo yun… parang lahat ng mga mata’y nakatingin sa’yo… Parang laging may matang handang tignan ang bawat maling galaw ko… at bibig na laging handang ipagtagus-tagusan ang mga umaatikabong salitang… “Anak ka pa naman ng pastor…” Masakit. Masakit kasi… Nakatago na lang lagi ako sa anino ng tatay ko… Parang wala na akong karapatang gumawa ng mga kalokohan… Krapatang maging isang Sem Filio… Wala na akong pagkakataong magsalita sa mga tao ng “Teka! Hindi ako ang pastor! Hindi ako perpekto!”… Masakit na sa hinaba-haba ng panahong ako’y nabuhay sa mundo… Tinatalian ako ng lubid ng pagiging isang “Anak ng pastor”. Nakaikot ako sa buhay na ganoon. Buhay na puno ng di katotohanan. Buhay na puno ng pagtatago. Buhay na puno ng pagtitimpi. Buhay na hindi ako ang humubog. Isang Sem FIlio na minsan kahit ako ay di nakikilala.

Ang buhay ko man ay puno ng mga kakomportablihan… di man siya nag-uumapaw sa mga problema at paghihirap… masasabi kong… naging mahirap din ito sa akin… Lalo na kapag ganitong mga sulatin… Isusulat mo ang mga karanasan mong makakapag-inspire sa mga tao… Kasi parang wala silang mapupulot na aral mula sa walang kwenta kong buhay… Hahaha… Pero, isang beses… Naisip kong kahit kailan pala… Hindi ako nagkaroon ng isang matinding pagsubok na kailangan mong tumingin sa Kanya… Para bang ang ayos-ayos na ng buhay ko… Walang sakit o kapansanan, maayos na pamilya, katamtaman na buhay, hindi ko na kailangang magtrabaho para makapag-aral at masasayang mga kaibigan… Di ko na kailangang humingi ng malaki-laki sa kanya… Pero sa kabila nito… nalaman kong may mali… May mga katanungang di ko masasagot… Kahit nino man… Katanungang Siya lamang ang makakasagot… Mga paghihirap sa loob kong nakatago… Sinasabi kong mabuti ang lagay ko ngunit Siya lamang ang may alam ng mga hinanakit ko sa mundo… mga galit ko sa sarili ko… mga pagkukulang sa akin… mga problemang aking hinaharap ng mag-isa… Lahat ng ito… Tanging Siya lamang ang may alam…

Ang arti! Hahahahaha

Learned?
Pag sinabi mong [l3r-n3d] or kung tagalog ung pagbasa, lerned... hmmm... i can say, i'm not that one... d ko lm...
Pag sinabi mo nmng [l3rnd] or lernd sa tagalog na pagbasa... ako un...

Matapos ang gabing nagpatatag pa sa akin... pagkatapos ng pagpaparangal sa akin, sa amin... pagkatapos ng lahat ng iyakan, tawanan, at kantahan(isama mo p ang pagbabow sa stage)... pagkatapos ng lahat ng iyon na naganap nung graduation nmn... masasabi kong... Naging matatag n ko.

I dared myself, not 2 cry... not 2 show "weakness" (as they say)... but at the end of the day, i still exhibit to myself... my own "weakness"...

Many will say, learn to move on... Yeah! Ryt! I LEARNED to move on... But i'm not a LEARNED PERSON now... Hmmm... Malabo ba?
hehehe...

i learned to move on, i accepted the fact that i can't be their's and they can't be mine forever... but all i can do is to make sure i'm still there.

Many CAN say, many MAY say, and definitely many WILL say... na ako'y isang taong nakalimutan na agad ang lahat.
Go on, say watever u want... Care ko?
Cno b kau? hehehe... Kau ba ang dahilan ng buhay ko?

Judge me!
As one of my new found friend said " U can only judge a person wen u can say that u know that person..."
Pero ang tanong... kelan mo ba malalaman na ang isang tao ay kilala mo na?
To what level ang kailangan mong malaman sa isang tao?

Kailangan ba alam mo ang luvlyf nya... o kahit ang simpleng full name nya pra masabing kilala mo?

Kailangan ba na alam mo ang mga problema nya or kht sa simple lamang na alam mo ang pangalan ng magulang nya at kung san sya nktira para masbing kilala mo sya...?

Kailangan ba alam mo ang kanyang mga weaknesses at strengths to say you truly know that person...? Knowing hin/her for the privilege and the POWER to JUDGE...

Ang mga judge... Di ba kinikilala nila ang mga salarin at mga witnesses in order for them to judge accordingly... pero still, minsan, nagkakamali sila... ryt? K2lad nung LEO ECHAGARAY? Nagkamali... nagsori n lng... kht n nabitay na... wla ng buhay.

POINT ko? Wats the point of judgement? Shet, di ko na maintindihan ang mga pinagtatayp ko! Maikukumpara mo ang katanungan ko sa...

Anong point ng pagligo kung madudumihan at babaho rin tayo?

Anong point ng pagtatayp ko sa blog na ito kung wla namang babasa?

Anong point ng pag-aaral ng mga BS MATH, HRM, POL SCI, LEGMA, COMSCI, BS ECO, ETC gradu8s kung magcocol center lang cla...?

Anong point ni Jesus sa pagsabi nyang hinahanda nya ang mga "MANSION" natin sa langit (ang tagal na...) kung ang mundo naman ay nagawa nya ng isang linggo?

At anong point ng mga mansion ntn don kung wla ng pamilya run... ang mga mahal mo sa buhay sa mundo ay mwwla n... dhi tatanggalin nya ang alaala Nya pagdting don...?

Anong point Nya run? Anong point ng pagiging mag-isa sa MANSION na un? masaya kaya un? Mag-isa sa mansion?

Anong point ng pag-aaral nting lht ng mga studyante kung "sabi" naman NILA na malapit ng dumating ang Diyos?

Anong point ng pag-aaral ntin ng Complicated Maths (Calculus, Differential, SolidGeom, Trigo, etc), pag-aaral ng mga kung ano anong Science (Biology, Chemistry, Physics, Gen Sci, at ETC), pag-aaral ng mga Englishes at Filipinoes...?
Kung ang SABI nmn NILA eh... ang tanging mhlga sa mundo ay hindi ang mga nalalaman mo kundi ang nasa loob mo... ang kagandahang asal...

Hindi ba dpt nlng puro VALUES, SOCIAL ETHICS, THEOLOGY, RELIGION, at kung ano pang related ang dpt pag-aralan...? At hindi ba dpt un lng...?

Haaay...

Maraming tanong... Ang gulo ng isip ko...

Di ko alam... Pero... sa lahat ng mga katanungan na un ay di ko mssgot.




Pero gaya ng lht ng un...

Ndi rin mssgot ang lht...

Gaya ng mga tanong ko sa nauna...

Bakit sa kabila ng lahat ng NATUTUNAN ko...

In Spite of all the things i LEARNED...




I'm still here, Not a LEARNED PERSON...

Still... hanging....

Gulo ko. D nyo tlga ako maiintindhan.
HEHEHEHE

Apat Na Tao Sa COlegio

Nagung SEM, naintindihan ko na ang buhay sa mundong pinasok natin... at kailangang tahakin.

Sabi nila, be a friend of everybody sa college... collect and collect ang theme mo... parang jolly kiddy meal ang drama ng buhay mo... collect all 4000... collect and collect... then select.

Ganon nga lng b tlga ang buhay sa college?

Apat na tao ang nakita ko sa mundong nakita ko at kinasamahan ko...

1. indepedent being
-sila ung taong mag isa lang... malimit silang iassociate sa loner... pero di ntn alam ang takbo ng isip nya.

2. user friendly
- self word explanatory na to. Mga taong kaibigan ka lng kapag may kailangan sayo... kaibigan ka lang kapag nasa loob ng klase pero pag labas parang di kau magkakilala... at higit sa lahat, kaibigan ka lang kapag nalamang may masisipsip sya sau. Lamok. LIpad, sipsip, pagnagutom, lipad, sipsip.

3. suki ng user friendly
- walang magawa kundi magpasipsip ng dugo sa mga bampirang user friendly. Go lang ang arte. Minsan, tinatawanan sa likod lalo na kapag nagpapagamit sa mga lamok ng college life. Ang pinakamay masaklap na atang buhay sa collge.

4. The usuals
- e2 ung pinapanatili ang hayskul theme. Be friendly. At totoong kaibigan tlga. Minsan nga lang, pag di marunong magbalanse, nasisira sila dhil sa kaibigan. dalawa ang types nito.
a. Negatively charged- kasama na dito ang dota boys fter klase, friench fries sa mcdo endulgers, at mga kikays ng corridor na di na pansin ang mga quizzes at exams basta makaporma, makalaro, o makagimik lang. Friends forever daw, pero debar magnetizer...
b. positively charged- e2 ung mga magkakaibigan dhil sa pag-aaral... gud influence ika nga ng iba... Sby sby mag aral, grup study ang lakad tuwing bago mag exam at higit sa lahat pero enjoy ang trip parati.

Sino ka sa kanila?

Hehehe... ako, independent. gs2 ko kcng ma22ng 2mayoo sa sarili kong mga paa. kc in the end pag kagraduate ko, trabaho ko, gawain ko, sweldo ko. Yokong maging dependent sa mga tao... lalo na sa kaibigan. yokong tawaging user friendly... pero closure sa friendship ay di ko gngwa. gs2 ko lng mging indpndnt... for future use. hehehe